Vision Statement

“Growing from strength to strength, Buddy’s Restaurant will remain to be the pioneer on all Filipino fast food chain that satisfies our guests by being a “cut-above” restaurant that is dedicated to create an exciting atmosphere, great food, and exceptional dining experience. To provide a safe, healthy, and rewarding workplace for our employees.”

Mission

To ensure that each customers receives prompt, professional, friendly and courteous service.

To maintain a clean, comfortable and well maintained premises for our customers and staff.

To provide at a fair-priced – nutritional, well-prepared meals – using only quality ingredients.

To ensure that all guests and staff are treated with the respect and dignity they deserve.

To provide all who work with us a friendly, cooperative and rewarding environment which encourages long- term, satisfying, growth employment.
To offer basic and supplemental trainings to its employees aimed at helping them achieve personal growth and career fulfillment.

Values: Veluz’ Philosophy
  • Respect – we believe that all people should be treated with consideration and dignity.
  • Dynamism – we cherish diversity.
  • Care & Commitment – we pledge to serve with empathy and
  • Teamwork – effective partnerships between customers, distributors, employees, alliances and other business enterprise.
  • Integrity – we are committed to act in an ethical, honest, manner.
  • Stewardship – we believe that we are student of life and for life
  • Fulfillment– we embrace the belief that happy and contented customers is the main factor in sustaining the business
ANG BUDDY’S NOON

Si Zaldy ay nagsimula lamang sa pagtitinda ng “ice candy” na may puhunang Limampung Piso (P50.00). Bukod dito, siya rin ay nagsasaka. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagtatanim ng BITSUWELAS na kung saan ito ay kanyang ibinebenta sa Divisoria. Gayon man di lahat ng kanyang inaani ay nabebenta. Dahil sa peste, ilang sako rin ng bitsuwelas ang di naipagbili, ngunit sa halip na masiraan ng loob, ang ilang sako na di nabenta ay ginawa niyang lumpia. Na kung saan ito ay nagustuhan ng mga Lucbanin.

 

Matapos ang lumpia, Hamburger naman ang isinunod niyang inilunsad. Nagtayo si Zaldy ng isang maliit na kainan sa ibaba ng kanilang bahay sa Lucban, na tinangkilik naman ng lahat. Dahil sa pagdami ng mga customer ay ginawa na niyang isang Restaurant ang ibaba ng kanilang bahay.   Dahil may angking talento sa sining, siya mismo ang nagplano para sa disenyo ng restaurant upang maging kaaya-aya ito at maiugnay sa pangangailangan ng mga customer. Ang lahat ng ito ay naging posible sa basbas, tulong at gabay ng kanyang ina na si Gng. Enriqueta Babia Veluz. Taong 1985 nang ang pagtitinda ng ice candy at lumpia ang siyang naging simula ng Buddy Burger ngayon.

 

Maliban sa restaurant, nagtayo rin siya ng “fully air-conditioned” Home Video Center na kalapit lamang ng restaurant. Tulad ng Buddy Burger, ito rin ang unang Video Center sa Lucban. Gumagamit siya dito ng “wide screen television set” at ng “laser disc player”. Ipinapalabas dito ang lahat ng bagong foreign movies. May pagkakataon rin na nagpapalabas ito ng “literary classics” dahil na rin sa kahilingan ng mga estudyante para sa kanilang English at Literature classes.

 

Base sa kasabihan ng mga Chinese, para maging kumpleto ang buhay ng isang tao, meron siyang dapat gawin, dapat harapin at isang mamahalin. Nakita niyang ang ikatlong aspeto sa nasabing kasabihan sa katauhan ni Ms. Maria Nova Villanueva ng Lucena City. Pinagkalooban sila ng apat na matatalino at mapagmahal na mga anak na nagngangalang: Mikdoo, Vino, Yza at Lia. Tulad ng sunod sunod na pagdating kanilang mga anak, gayun din ang pagbubukas ng mga sangay ng kanilang restaurant.

 

Setyembre 7, 1991 nang buksan ang Buddy Pizza-Lucena sa Leon Guinto St., Lucena City. Naging regular itong puntahan ng mga tao. Ito rin ang nagsilbing “main branch” na kilala natin bilang “BUDDY’S TAKEHOME AND DELIVERY”. Matapos ito, napag-isip nila na maglagay ng isa pang sangay sa Tayabas Quezon. Dito sila nakakita ng lugar na kung saan malapit sa terminal at maraming tao. Mayo 1, 1993 ng maitayo ang Buddy Pizza Tayabas. Nang sumunod na taon, isa na namang biyaya ang dumating, ang Buddy Pizza –Ocean Palace Mall na binuksan noong Disyembre 20, 1994. Ito ang nagsilbing pangunahing restaurant sa Lucena.

 

Dahil sa pagpapahalaga sa tagumpay, naniniwala ang may-ari na ang lahat ay nasisimula sa maliit. Magaling siya sa pamamaraan, hindi niya inaasahan na magiging malaki ang negosyong maliit niyang sinimulan. Ang lahat ay nagsimula sa pagsubok, dahil na rin sa mahilig siyang magluto, natagpuan niya ang tamang recipe sa mga pagkaing inihahanda ng kanyang restaurant.

 

Hunyo 1998, isa pang hangarin ang natupad. Ito ay ang pagbubukas ng Buddy’s Pancit Lucban at Longganisang Lucban sa Kakarong St., Makati City. Ang nasabing lugar ay siyang lumang tahanan ng pamilya, na hindi naman na maituturing na “business area” ngunit may kakayahang makapang-aya ng mga kustomer. Ang mga produkto ng Lucban tulad ng longganisa, pinangat, pancit lucban, lalo na ang pizza kung saan ang ang mga ito ay di man mas nakaaangat ay pumapantay naman sa kalidad ng ibang “foreign-origin pizza”.

 

Pagsasabago at paglalagay ng air-conditioned sa mga restaurant ang nakaganyak sa mga customer na pumunta. Ang mga tao ay mahilig maglagi sa mga lugar na malamig, maaliwalas at malinis. Sa pagkakataong ito, isa na naming sangay ang binuksan, noong Marso 2, 2001, ito ay ang Buddy’s Pancit Lucban at Longganisa Lucban na nasa Kalayaan Avenue, Makati City. Upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng BUDDY’S, ang mga sumusunod na sangay ay itinatag:

  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN at SM City Lucena on December 5, 2003
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Market! Market!, Bonifacio Global City, Taguig Metro Manila on October 10, 2004
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Tycoon Center in Ortigas Center, Pasig City on Dec. 12, 2004.
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Timog Ave. cor Sct. Ybardolaza, Quezon City on Sept. 10, 2010
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at The Link, Ayala Center, Makati City on Oct. 10, 2010
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN at Pacific Mall Lucena on October 28, 2012
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Ground Floor Shopwise Arcade Araneta Center Cubao, Quezon City on Sept. 6, 2014
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at 3rd Floor Fisher Mall at West Triangle Quezon City on October 10, 2015
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Eastwood Citywalk 1, Eastwood Ave. Bagong Bayan Quezon City on January 23, 2016
  • BUDDY’S PANCIT LUCBAN AT LONGANISANG LUCBAN at Venice Grand Canal Mall McKinley Hill, Taguig Metro Manila on Nov 13. 2016

 

Sa ngayon, ang mag-asawa ang siyang nagpapatakbo at namamahala ng kanilang mga restaurant. Sina Zaldy at Nova ay naniniwala na ang isang dahilan para mapanatili ang tagumpay ng isang negosyo ay ang magandang pakikitungo sa mga empleyado. Gumagawa rin sila ng mg hakbang para manatiling maayos ang pamamalakad at pamamahala sa bawat sangay ng Buddy’s.

 

Sa tulong ng poong maykapal, pagsisikap, pantay na pagtrato sa lahat ng customer, lahat ng bumubuo ng Buddy’s pati na rin ang mga kalidad ng pagkain, mahusay na serbisyo, Buddy Burger, Buddy Pizza, Buddy’s Pancit Lucban at Longganisa Lucban ay hindi mabibigo, siguradong patuloy pa ito at malayo ang mararating…